|
||||
|
|
||||
|
Kasaysayan ng PenKO Ang Bulacan ay isa lamang sa mga lalawigan sa buong Pilipinas na pinagmumulan ng mga de kalibreng manunulat kaya naman ang Bulacan State University ay bumubuo ng mga programa na hindi lamang may kinalaman sa Inhinyera at Teknolohiya maging sa larangan ng sining at pagsulat. Taong 2007 ng pormal na inilunsad ang PenKO (Panitikan, Ekspresyon, Nasyonalismo sa Kaisipan at Obra) bilang isa sa tatlong dibisyon ng IAL Talent Center. Ang pamunuan ay kinabibilangan ni Gladdy Emilia bilang Pangulo, Ana Carlota Castillo bilang Pang. Pangulo, Emmanuel Pastolero bilang Kalihim, Reygee De Vera bilang Ingat-yaman, Eilleen Mendoza, Beverly Valencia, Dianne Suzette David bilang mga Kinatawan at sina Lalaine Bonifacio, Cristina Camille Cruz, Bianca Camille Apostol bilang mga komite. Si G. Edel Larin ang itinalaga bilang Tagapayo ng dibisyon at si G. Orlando Pineda bilang katuwang na tagapayo. Bagama’t nasa unang taon ng pag-oorganisa ang pamunuan ng PenKO ay kaagad na nakapaglunsad ng mga gawain at proyekto na may kinalaman sa malikhaing pagsulat at panitikan. Naisagawa ang Pambansang Seminar-Worksyap ang “TELEPANITIK- Panitikang Mula sa Tao Para sa Tao” na dinaluhan ng iba’t ibang mga unibersidad sa bawat rehiyon. Sa pagpasok ng ikalawang semestre ng 2007 naglunsad ang PenKO ng isang Seminar-orientation, na may temang “Valuing the Writers Creative Mind by Protecting His Rights” naimbitang tagapagsalita si Atty. Edmund Jason Baranda (UP Diliman, College of Law, Alumni) ng Villaraza Law Firm na dinaluhan ng mga book writer, faculty writer at mga student writers ng pamantasan. Layunin ng programa na makapagbigay ng oryentasyon tungkol sa isyu ng Karapatang Pagmamay-aring Intelektuwal (Intelectual Property Rights) sa kasalukuyan. Ito ay bilang pakikiisa ng organisasyon sa pagdiriwang ng International Intellectual Property Month (Nobyembre). Bukod pa sa 2 nabanggit na proyekto ay regular na nagsasagawa ang PenKO ng buwanan nitong Literary Nights (isa itong literary exercise na pinasimulan ng organisasyon kung saan ang bawat kasapi ay nagtatanghal ng kanilang mga akda). Isinasagawa ito upang patuloy na mabuhay ang interes ng mga mag-aaral at guro sa malikhaing pagsulat at panitikan. Sa kasalukuyan umiikot sa bawat baranggay sa lalawigan ng Bulacan ang mga manunulat at Tagapayo ng PenKO upang makapagbigay ng inisyal na pagsasanay sa malikhaing pagsulat at oryentasyon sa panitikan. Layunin din ng gawaing ito na makapangalap ng mga kabataan at indibidwal na manunulat na maaaring makapagbigay ng kontribusyon sa ilulunsad na literary folio na may titulong “DITO SA AMIN, ang kuwento ng mga kuwentong hindi pa nakuwento”. Sa kabuuan ay naging mabunga ang unang taon ng PenKO at makakaasang sa mga susunod pang panahon ay patuloy na mangunguna ang organisasyon sa buong Bulacan upang ipromote ang literatura at pagsusulat sa bawat isang potensyal na manunulat na bulakenyo. |
|
|||
| © 2005-2008. BSU INSTITUTIONAL INFORMATION OFFICE | ||||