Home | Colleges, Institutes & External Campuses | Previous

Welcome to Marcelo H. Del Pilar College of Law


History | Mission and Vision (Tungkulin and Pangitain) | Contact Us

Brief History

The Marcelo H. del Pilar College of Law was established as a school granting a Bachelor of Laws (LL.B) degree within the Bulacan State University system in Malolos, Bulacan.

The establishment of the College of Law is authorized by RA No. 7665, "An act converting the Bulacan College of Arts and Trades in the province of Bulacan into a State University to be known as Bulacan State University, and Appropriating Funds Therefor." Section 3 of the law specifically provides for the offering of undergraduate and graduate studies in various fields including a complete law course.

The BSU Board of Regents in its Resolution No. 25 S, 2001 approved the establishment of the BSU College of Law in coordination with and wholehearted cooperation of the Integrated Bar of the Philippines, Bulacan Chapter, and in accordance with the requirements of the CHED Legal Technical Education Panel.

The College was established on May 2, 2001 and named after Marcelo H. del Pilar, an illustrious lawyer, patriot and pride of the province of Bulacan. It is managed by the Marcelo H. Del Pilar Law Foundation, Inc., headed by a Dean appointed by, and under the supervision of, the Board of Trustees of the Foundation composed of officials of the BSU and IBP, Bulacan Chapter.

Mission and Vision (Tungkulin at Pangitain)

Ang Pangitain . . .

Pangarap ng mga nag-isip magtatag ng kolehiyo ng Batas ng Marcelo H. Del Pilar, Bulacan State University, na magkaroon sa malapit na hinaharap ng sariling gusali na may sapat na laki at kapapalooban ng mga pangangailangan ng isang maipagkakapuring paaralan sa tulong ng mga mamamayan at maging mga pinuno ng pamahalaan na may naising makatulong upang magkaroon sa Bulacan ng ganitong paaralan at sa gayon ay maiwasan ang malaking gastos at hirap ng pag aaral ng mga taga Lalawigan Bulacan at karatig sa Lungsod ng Maynila .

Bukod sa pangkaraniwang pangangailangan, ang paaralang ito ay magkakaroon ng isang aklatan ng batas na sa takdang panahon ay magiging pinakamalaki sa Gitnang Luzon; kadluan ng karunungan ng sinumang may nais magsunog ng kilay upang matamo ang mataas na uri ng kaalaman sa tulong at patnubay ng mga dalubhasa at piling mga propesor.

At Ang Tungkulin. . .

Pagtitiisan natin ang anumang hirap, nahahanda tayong pawisan ng dugo, kung kinakailangan upang matupad ang ating pangarap. Tungkulin nating umisip ng mga mabibisang pamamaraan at maging mga pagbabago sa pagtuturo upang malagpasan natin ang "national passing average" sa "bar examinations" at magkaroon tayo ng mga "bar topnochers." Sa gayon ay makikilala sa buong bansa ang paaralang ito na may mataas na uri ng pagtuturo na kapantay, kung hindi man higit, ng pinakamahusay na paaraalan ng batas sa buong Pilipinas.

Tungkulin ng bawat propesor at ng sinuman na may kinalaman sa pamumuno at patakaran ng paaralang ito na maitanim at mapalago ang isang tapat at mataas na uri ng pagmamahal sa bayan sa puso at isipan ng bawat mag-aaral, na ang pagkamanananggol ay isang pribilehiyo na gagamitin lamang na taglay ang banal na takot sa Diyos at tunay na pagmamahal sa kapwa maging sa larangan ng politika, ekonomiya at ugnayang panlipunan tungo sa pantay-pantay na paggagawad ng katarungan.

Tungkulin ng paaralan na hubugin ang kanyang mga mag-aaral upang ingatan nila na huwag magkaroon ng mantsa at kapintasan ang paaralang ito at ang propesyon ng batas, at kung sa darating na panahon sila ay maging mga manananggol at hukom o mga pinuno ng bayan ay makilala ng lahat na sila ay hinubog sa diwa at layunin ni Gat. Marcelo H. del Pilar na sa tuwina ay inilalagay ang kapakanan ng bayan nang una sa kapakanang pansarili.

Patnubayan nawa tayo ng Dakilang Lumikha upang matupad ang ating mga pangarap, adhikain at tungkulin.

Contact Us

Justice Jose Dela Rama
Office of the Dean
College of Law
Ground Floor, Natividad Hall
Phone No.: (044) 662 - 0476

 

MHDP College of Law
Faculty
© 2005. BSU INSTITUTIONAL INFORMATION OFFICE