About the President


Si Dr. Teody Cruz-San Andres ay nagtpos ng Batsilyer ng Sining sa Pang-elementaryang Edukasyon noong 1983 sa Baliuag University at Master's Degree sa Edukasyon noong 1990 mula sa parehong institusyon. Ipinagpatuloy niya ang kanyang doktorado sa Philippine Normal University at nagawaran siya ng titulong Doktor ng Pilosopiya sa Linggwistika at Panitikan noong 1995.

Nagsimula ang kanyang buhay sa akademya noong siya ay maging Classroom Teacher noong 1988 sa kanyang Alma Mater na Baliuag University, kung saan siya rin ay naitalaga bilang Assistant School Principal makaraan ang dalawang taon.

Dinala siya ng kanyang karera sa Bulacan State University noong 1995, kung saan kinakitaan siya ng angking galing sa pagtuturo at husay sa pamumuno – mga katangian na nagdulot upang siya ay mangibabaw sa akademya.

Siya ang Pangulo ng Graduate Education Association of Philippine Higher Education Institutions (GEAPHEI¬) mula 2022, at Direktor ng National Budget Circular III o NBC III na ngayon ay Joint Circular No.3 or JC3 mula 2012 hanggang sa kasalukuyan.

Sa kanyang dedikasyon sa kanyang larang, ang kanyang karera ay napapalamutian ng mga parangal at gantimpala; ilan lamang sa mga ito ay: “Gawad Sulo for Outstanding Alumnus” mula sa Philippine Normal University noong 2019; “Plake ng Pagpapahalaga bilang Natatanging Lider” mula sa Bulacan State University ng parehong taon; at “Gawad Dangal ng Plaridel Sa Larangan Ng Edukasyon” mula sa Lokal na Pamahalaan ng Plaridel noong 2018.

Bilang isang premyadong awtor at mananaliksik, si Dr. San Andres ay nakapaglathala ng halos 40 na aklat at pananaliksik sa iba't ibang pang-akademikong pahayagan.

Sa kasalukuyan, siya ay naglilingkod bilang ika-4 na Pangulo ng Bulacan State University kung saan siya ay naitalaga noong Agosto 30, 2023.

SHARE THIS PAGE: