November 16, 2016

"BAYANIHAN SA BAYAN ni JUAN" Makisayaw, Makiawit, Tumulong!

Ang BulSu Entablado (BE) ang opisyal na samahan ng sining panduluan ng mga mag-aaral ng Bulacan State Univerity ay nagaanyaya sa lahat para sa kanilang malaking pagtatanghal na gaganapin sa ika-25 ng Nobyembre 2016 sa Valencia Hall sa ganap na ika-9 ng umaga, ika-1 ng hapon at ika-4 ng hapon.

By BulSU Entablado

Ang sayaw-awit na pagtatanghal ay may pamagat na "BAYANIHAN SA BAYAN NI JUAN". Umiikot ang kwento sa layuning ibalik ang yaman ng katutubong kaugalian ng mga Pilipino, gayundin ang pangangalaga sa Inang kalikasan.

Sa pangunguna ni G. Erwin R. Mercado, ang Adviser ng BulSU Entablado ang paanyaya na makisaya, makiawit, makasayaw at tumulong sa mga DSWD scholars na siyang intensyong tulungan ng malilikom na pondo.

Ang ticket ay may halagang PhP 100.00; maaari itong mabili sa opisina ng BulSU Entablado sa ikalawang palapag ng Valencia Hall; o makipag-ugnayan kay Ms. Janine Fabian sa bilang na (0997) 967-1182.

SHARE THIS PAGE: