August 29, 2019

Convocation: BulSU Celebrates the Language Month

Concurred with the celebration of the Buwan ng Wikang Pambansa, Bulacan State University (BulSU) held its monthly Convocation last August 27, 2019 at the University Valencia Hall. With the theme "Filipino: Wika ng Paninindigan at Progresibong Kamalayan tungo sa Edukasyong Makabayan", the ceremony was hosted by the College of Arts and Letters (CAL).

By University Communications Group

The program was attended in by the University President Dr. Cecilia S. Navasero – Gascon, together with the University Vice Presidents, the heads and staff of the different offices, faculty members and students.

Mr. Jorge Cariño, TV Anchor from ABS-CBN who is also a Bulakenyo and an alumnus of the Bulacan State University Laboratory High School, served as the guest speaker who delivered his inspiring speech regarding the relevance of the Filipino subject in the college curriculum.

Cariño in his speech asserted that, “Sa panahon ngayon, kung saan isinusulong na alisin ang asignaturang Filipino sa ating kurikulum, natutuwa akong malaman na ang Bulacan State University ay patuloy na lumalaban upang maisulong ang wikang pambansa, ang wikang Filipino.”

Meanwhile, the University President challenged everyone especially the students to learn and use the Filipino language. According to her, “Tayo ay ang wika, ang wika ay tayo. Sa sariling wika lamang natin maipapahayag ng buong katapatan at katotohanan ang laman ng ating puso at isip.”

Here is the Speech of the University President during the Convocation.

Sa ating panauhing tagapagsalita na isa ring Bulakenyo, G. Jorge Cariño, mamamahayag ng ABS-CBN, sa mga Pangalawang Pangulo ng Pamantasan, mga Opisyal ng Bulacan State University, sa dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Gng. Maria S. Bulaong, mga guro at kawani, mga mag-aaral at panauhin, mga kaibigan, isang maganda araw sa ating lahat. 

Sa buwang ito, binubuksan natin ang isang bagong Taong Pang-akademiko sa BulSU, kaalinsabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Maaaring hindi sinasadya, subalit ito ay naging hitik sa kahulugan. Ang pasimula ng pagtuklas at kaalaman ay ang paggamit ng wika. Masasabi lamang natin na nauunawaan natin ang isang bagay kapag nakaya na nating ikarga sa mga salita, samantalng ang konsepto naman ay makakaya nating isalansan sa ating isip kapag ito ay naisawika. Sa makatuwid, wika ang naghahatid sa atin patungo sa pagkilala at pagkamulat.

Sa ginagmit nating wika makikilala ang ating sarili at kaibahan mula sa iba. Kung kaya nga masasabi nating, “tayo ang wika at ang wika ay tayo.” Sa sariling wika lamang natin maipapahayag ng buong katapatan at katotohanan ang laman ng ating puso at isip. Mas maiksi kasi ang lalakbayin ng ideya o damdamin mula sa isip papunta sa wika, kumpara sa kung gagamit ng wikang banyaga. Ang ideya mula sa isip ay maninimbang pa sa kultura ng mga taong gumagamit ng wikang iyon, kawastuhan ng gamit at minsan ay takot na magkamali bago maisawika. [Tulad kapag nasa klase at tinanong kayo ng prupesor ninyo sa recitation. Nag-iisip kayo sa Filipino, at pilit nyong isinasalin sa English ang inyong sagot. ]

Filipino ang wika ng paninindigan sapagkat ito ang sumasalamin sa kung ano tayo bilang isang bansa; Filipino ang wika ng progresibong kamalayan sapagkat dito natin nasasabi ang gusto nating marating bilang mga mamamayan.

Kung gayon, magiging kulang tayo bilang isang bansa kung hindi natin pagyayamanin ang ating sariling wika; mahihirapan tayong sumulong patungo sa hinahangad nating kaunlaran kung hindi natin masasabi ang gusto natin sa pamamagitan ng sarili nating wika.

Sa ating panahon, gaano kahirap o kadali sa atin ang ipahayag ang ating saloobin sa wikang Filipino? Malinaw, akma, at masining pa rin ba ang paggamit natin ng Filipino sa araw-araw na pakikipagtalastasan? Kakayanin ba ng henerasyon ng mga kabataang gumamit ng iisang wika lamang sa buong maghapon man lamang? Saan-saang larangan pa nga ba ng buhay natin bilang mga indibidwal at bilang isang pamayanan ginagamit ang Wikang Filipino?

Ang hamon ay nasa sa atin na mga nasa Pamantasan—ang ahensyang inatasang magturo, magsaliksik at magbahagi sa pamayanan. Ano na nga ba ang nagawa natin upang mapagyaman ang sarili nating wika? Naging sapat ba ang pagtatalaga ng isang buwan ng taon para dito? Nagkasya na ba ang mga patimpalak tulad ng pagbigkas ng tula, talumpati at sabayang-bigkas upang mapaunlad ang wikang Filipino? Kaya ba nating ilagay sa Filipino ang lahat ng alam at nararamdaman natin? 

May sadyang buwan upang ipagdiwang ang kahalagahan ng wika. Subalit araw-araw tayo ay Pilipino. Bawat sandali ay hinahamon tayong ipagdiwang ang ating kakanyahan at ipagmalaki ang sariling pagkakakilanlan. Kung ang ating pag-iisip bilang isang bayan ay hindi nasasalamin ng ating wika, kung ang ating kultura ay lagi nating isusuko sa banyagang impluwensya, darating ang araw na ang Agosto ay pag-alala na lamang sa isang namatay na wika na kung tawagin ay Filipino. 

Hinahamon tayo ng pagdiriwang na palagiang gamitin ang ating sariling wika at ipagmalaki ang paggamit nito. Ang lahat ng wika ay pantay-pantay sa halaga, subalit ang wika, tulad bg maraming bagay sa ating buhay na madalang gamitin at hindi pinauunlad ay kusang humihina at namamatay. Hinahamon ko rin ang ating mga prupesor at mananaliksik sa larangan ng wika lalo na sa Kolehiyo ng Arte at Literatura na patuloy na magsumikap tungo sa Intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Ang inyong mga hakbang ang siya ring magiging pundasyon natin sa hinaharap sa pagbuo ng mga polisiyang pangwika para sa Bulacan State University sa malapit na hinaharap. Hinihikayat ko ang mga BulSUans na tuklasin ang talino, buti, at ganda ng Wikang Filipino at sa pagkatuklas nito ay mas makilala ninyo ang ating kultura, ang ating bansa, at ang inyong mga sarili. 

Mabuhay ang Wikang Filipino!

Sa Diyos ang pinakamataas na papuri.

SHARE THIS PAGE: